Pages

Saturday, July 30, 2011

BONGGANG NAMESUNGCHINABELS NG MGA BAGYOBEANS

Amang, Bebeng, Chedeng, Dodong, Egay, Falcon, Goring, Hanna, Ineng, Juaning, Kabayan, Lando, Mina, Nonoy, Onyok, Pedning, Quiel, Ramon, Sendong, Tisoy, Ursula, Viring, Weng,Yoyoy, Zigzag.

Nakagorabels na ang sampung bagyobeans, labing lima na lang! Ibawas pa si Kabayan na anumang oras ay parating na, bali labing apat na lang! Sino ba namang pilipino ang hindi natatakot sa tuwing sasapit ang tag-ulan, sunod-sunod na pag-yulanda ang nararanasan at kadalasan nagiging bagyobeans. Bukod sa mga pilipino na nasa ibang bansa, isa ako sa mga hindi natatakot sa bagyo. Plastik kasi ako, waterproof. CHOS! Panatag ang aking kalooban kapag narito ako sa Morong, nasa bundok kami kaya maliit lang ang tyansa na lumubog sa baha ang aming bahay. Lulubog muna ang bayan ng Morong bago pumasok ang tubig sa loob ng aming bahay. Kaya laking pasasalamat ko kasi swerte kami.

Mabalik sa pangalan ng mga bagyo, nahirapan siguro ang PAGASA sa pagpapangalan sa mga bagyo. Excited ako kay Zigzag, nakakatuwa lang. CHOS! Ang mga pangalan po ng mga bagyo sa itaas ay para sa taon na ito lamang. Hinihiling ko na sana ay hanggang kay Kabayan na lamang, at huwag dumating ng si Lando.

Habang tinatype ko itong post na ito, biglang sumagi sa aking kaisipan na ano kayang kalalabasan kung mga bakla ang magdedesisyon ng mga pangalan ng mga bagyo. Bago ilabas ng mga tauhan ng PAGASA ang mga pangalan, itatranslate muna ito ng mga bekimon. Yung parang ganito:

  • Amang = Amanda = Amanda Coling
  • Bebeng = Bebeng = Bebeng Gandanghari
  • Chedeng = Cheche = Cheche Lazaro
  • Dodong = Donna = Donna the Explorer
Oh di ba? Masbongga lang ang mga pangalan ng mga bagyo kapag mga ganyan. Tatatak talaga sa kaisipan ng bawat isa. Malakas ang dating kapag ganito. Nakakatuwa lang kapag may nadinig ka sa telebisyon na: "Marami ang sinalanta ng bagyong Donna the Explorer!". Ang sosyal lang pakinggan. CHOS! PATAYIN NYO NA AKO! WALEY LANG!

Ambo, Butchoy, Cosme, Dindo, Enteng, Frank, Gener, Helen, Igme, Julian, Karen, Lawin, Marce, Nina, Ofel, Pablo, Quinta, Rolly, Siony, Tonyo, Unding, Violeta, Winnie, Yoyong, Zosimo.

Kung excited naman kayo sa mga pangalan ng bagyo for next year, ayan na. Sa PAGASA kasi ako nagtatrabaho. KEME! Mukhang related sa pamilya ko mga bagyo next year, Ambo: Daddy ko, Butchoy: kapatid ko, Julian: apelyido namin. Nakakatuwa lang!

Sana naman ay huwag umulan bukas at may pupuntahan ako.

Pinanggalingan ng mga pangalan ng bagyo: DITO

Wednesday, July 27, 2011

Sariling sikap: Sintomas ng pagiging bakla.

Marami ang anyo ng mga bakla. May baklang halata, may patago. May mukhang aswang, may mukhang diyosa. May balingkinitan, may macho-machohan. Mayroong may utak, mayroon ding di gumagamit ng utak. Mayroong sobrang kapal ang make-up, mayroon ding walang pambili ng make-up. Mayroon din na sa kanilang kabataan pa lang ay kinakitaan na ng sintomas, at ang iba naman ay huli na ng malaman na isa sya sa mga itinakda.



Maraming batayan kung bakit nagiging bakla ang isang lalaki, pero paano nga ba talaga malalaman sa sarili mo kung bakla ka nga ba talaga? Kung hindi ka talaga sure sa iyong pagkalalaki, may ilang mga senyales akong nakalap sa bekilandia upang maging basehan ng pagkakakilanlan sa sarili. Gamit ang mga impormasyon na ibibigay ko, gumawa ng listahan at itala sa papel ang mga sintomas na naranasan mo. Ichecheck ko pagkatapos, right minus wrong. CHOS! Ihanda na ang iyong sarili sa magiging resulta.


1. Nahihilig ka at sinusubaybayan mo ang mga pambabaeng palabas gaya ng America's Next Top Model, Project Runway, Fashion Show: Ultimate Collection, at iba pa. Kung bata ka naman, Power Puff Girls, Sailor Moon, Winx Club, Totally Spies, Card Captor Sakura, at iba pang katulad.



2. Kahit kailan ay hindi ka nahilig sa basketball. Pero kung mahilig ka naman sa basketball, hindi ka naman sa laro nakatuon kundi sa mga players. Kung bata ka pa masyado, mas gusto mong maglaro ng bahay-bahayan, piko, chinese-garter, paper doll, lutu-lutuan, at iba pang katulad.



3. Madalas mong makita ang iyong sarili sa kahinahinalang gawain katulad na lang pag-pilantik ng iyong mga daliri, pagbali-bali ng balakang o baywang, at pagtaas ng pinky finger a tuwing iinom o may hahawakan.



4. Nagagandahan ka sa mga kanta nila o iniidolo mo sila Lady Gaga, Girls Generation, Regine Velasquez at iba pang mga katulad. Bet mo rin yung mga biriterang kanta. Kung bata ka naman, nahihilig ka sa mga kanta nila o idolo mo sila Demi Lovato, Selena Gomez, at iba pa.



5. Mahilig kang magsoot ng mga borloloy sa katawan. Trip na trip mo rin ang mga pambabaeng gamit. Mahilig ka din sa mga colored lenses gaya ng color blue, gray, at green kahit na hindi naman malabo ang iyong mga mata.



6. Kung mahilig ka naman sa mga arcade/computer games/gameboy, madalas mong piliin na character ay mga babae gaya nila Chun Li sa Street Fighter, Storm sa XMEN, Lina Inverse sa DotA, Dawn sa Pokemon, at iba pang katulad. .



7. Napapansin mo ang iyong boses ay parang naiipit na nanggagaling sa ilong kahit wala namang sipon. Kung hindi naman, may nakapagsabi na sa iyo na malamya o mahinhin ang iyong pagsasalita.



8. Masyado kang maayos sa iyong sarili. Gusto mong pakialaman ang iyong kilay, iwax o ahitin ang mga buhok sa katawan, mahilig kang magpahid ng kung anu-ano sa katawan mo, at marami kang ginagamit na pampaganda.



9. Mahilig kang magdrawing ng mga bula-bulaklak, paru-paro, mga gowns, at iba pang katulad. Napakaganda rin ng iyong pirma na may design pa.



10. Kadalasan ang mga kasama o kabarkada mo ay mga bakla o mga babae.



11. Nakakaintindi ka ng bekimon language.



12. Madalas mong mapansin na hindi ka nagkakagusto sa babae, sa kapwa lalaki ka nahuhumaling. Napapatitig ka sa mga nakikitang gwapong lalaki.



13. Madalas kang tinatanong ng sambayanang pilipinas kung bakla ka ba talaga.



14. Lumilingon ka kapag may sumigaw na "BAKLA!".



15. Hindi ka tinitigasan sa mga boobang at pukelya. Tigasan ka man sa mga babae, tinitigasan ka pa rin sa mga lalake. Kapag nanunuod ng porn, sa lalaki ka nakatitig.



Kung wala kang nailista kahit isa sa mga sinabi ko, CONGRATULATIONS! Magpasalamat ka at isa kang tunay na lalaki. Kung may nailista kang isa o dalawa, matakot ka na pero pwede mo pa iyang labanan. Kung tatlo o apat ang iyong nailista, malala ka na at di mo na pwedeng baguhin ang guhit ng iyong palad. Kung lima naman pataas, wag ka ng magtanong kasi bakla ka talaga.



Kung wala kang tiwala sa paraan na ito, subukan mong magpasecond opinion sa ibang mga beki. Mayroon kaming built-in gaydar na isang tingin palang alam na agad ang sagot. Mas instant ang resulta!

Friday, July 22, 2011

The ALPHABEKS

Bilang isang beki, obligado ang bawat isa sa pederasyon na matuto ng alpabetong bakla o mas kilala sa tawag na alphabek. Ito ay nanggaling kay bernjoseph, isang youtube sensation na mas kilala sa tawag na bekimon. Madali lang itong matutunan, kering-keri ng bawat isa basta alam mo ang ABCD o ABaKaDa. Kapag natutunan mo na ang alphabek, malaki na ang tyansa mo na maging fluent sa bekimon language.

Kung may "A for apple and B for bag" ang mga sosyal, at "A ay aso at Ba ay baboy" sa mga di gaanong kasosyalan, pwes may ganyan din ang sangkabekihan..


A: Anek = Ano

B: Bekimon = Bakla

C: Charot = Joke

D: Ditey = Dito

E: Echos = Kidding

F: Fransya = Praning

G: Getchikola = Kuha

H: Harbat = Hingi

I: Imbey = Galit

J: Junakis = Anak

K: Keribels = Kaya

L: Lotlot De Leon = Talo

M: Mudak = Nanay

N: Nyelpak = Cellphone

O: Orlok = Tulog

P: Pudak = Tatay

Q: Quiembolin = kini-quiembo ng mga quiembolina

R: Richella = Mayaman

S: Skyempertu = Kapatid ni skyempertri

T: Tayels = Tayo

U: Umbaw = Lalake

V: Vek-vek = Bakla

W: Waley = Wala

X: X-senadorang Palaka = Agaw eksena

Y: Yanchi = Iyan

Z: Zerowena = Walang booking


Bernjoseph a.k.a Bekimon: "Oh, gamitinchina mes ang mga yan ha? Usefulgalore ang mga shinurubels ko todaylalu, wit mo forgetlak. Pag finorgetlak mo itekla, ay! Nakakaloka!!". Ito ay mensahe galing sa video nya sa youtube na Alpabetong Bekimon - Alphabek.

Sana naman magproduce ng abc poster na ganito ang LADLAD para sa mga batang beki. CHOS! Kung ako magiging designer nung gagawing poster, feeling ko sasakit yung ulo ko. Ang hirap lang gawan ng illustrations yung mga meaning ng mga letters gaya ng zerowena. Natatawa na lang ako pag naiimagine ko, yung style ng poster na naiisip ko parang ganito lang:

Thursday, July 7, 2011

Swardspeak: THE ULTIMATE COLLECTION

Ang swardspeak o gay lingo ay isang patagong wika o salitang balbal na nagmula sa Englog (pagpapalit wika ng Tagalog-Ingles ) na ginagamit ng ilang mga homosekswal sa Pilipinas. - Wikipedia.

Habang ang mga batang sosyal ay naglalaro ng kani-kanilang PSP sa loob ng bahay, hinihikayat ko ang bawat batang bakla sa kani-kanilang balor na lumabas ng lungga upang kantahin ang makabagong kantang pambata. Halina at makisabay sa akin na kumanta ng mga tradisyunal na kanta na nakasalin sa gay lingo. Ready, SING!



Bubukesh ang floweret ~ Bubuka ang Bulaklak


Bubukesh ang floweret ~ Bubuka ang bulaklak

Jojosok ang reynabelz ~ Papasok ang reyna

Chuchurva ng chachaness ~ Sasayaw ng chacha

Pa jempot jempot fah ~ Pa kembot kembot pa

Boom tiyayavush(2X) chenes. ~ Boom tiyayaboom(2X) yeye.



Pen pen de Chorvaloo ~ Pen Pen de Sarapen


Pen pen de chorvaloo ~ Pen pen de sarapen

De kemerloo de eklavoo ~ De kutsilyo, de almasen

Hao hao de chenelyn de big yuten ~ Haw, haw de karabaw de batuten

Sifit dapat iipit ~ Sipit namimilipit

Goldness filak chumochorva ~ Ginto`t pilak namumulaklak

Sa tabi ng chenes. ~ Sa tabi ng dagat.

Shoyang fula, talong na fula ~ Sayang pula, tatlong pera

Shoyang fute, talong na mafute ~ Sayang puti, tatlong salapi

Chuk chak chenes, namo uz ek ~ Sawsaw sa suka, mahuli'y taya



Shogu-shoguan ~ Tagu-taguan


Shogu-shoguan ~ Tagu-taguan

Ning ning galore ang buwan ~ Kabilugan ng buwan

Pagcounting ng krompu ~ Pagbilang ng sampu

Naka-shogu na kayey ~ Nakatago na kayo

Jisa, krolawa, shotlo ~ Isa, dalawa, tatlo

kyopat, jima, kyonim ~ apat, lima, anim

nyotert, walochi ~ pito, walo

syamert, krompu. ~ siyam, sampu.

Mga beki, andetrax na si atashi! ~ Mga bata, andyan na ako!



Heaven Luffa ~ Langit Lupa


Heaven luffa infairness ~ Langit lupa impyerno

in, in, infairness ~ im, im, impyerno

okray heartness, flowing ang dugesh ~ saksak puso, tulo ang dugo

chuging, alive, disappear na you dyan! ~ patay, buhay, aalis ka na dyan!



Mudra Pudra ~ Nanay Tatay


Mudra pudra betchikola bonapey. ~ Nanay tatay gusto ko tinapay.

Atey, kuyey betchi key kafey. ~ Ate, kuya, gusto ko kape.

Lahat ng betchi key ay kemer kemerlu, ~ Lahat ng gusto ko ay sususndin mo,

ang magkakawiz ay pipingutin kez. ~ ang magkamali ay pipingutin ko.



Valer kuberch ~ Bahay kubo


Valer kuberch, kahit jutay ~ Bahay kubo, kahit munti

Ang julamantrax denchi, ~ Ang halaman duon,

Ay anek-anek. ~ Ay sari-sari

Nyongkamas at nutring, ~ Singkamas, at talong,

Nyogarilyas at kipay. ~ Sigarilyas at mani

Nyipay, nyotaw, jutani. ~ Sitaw, bataw, patani

Kundol, jotola, jupot jolabastrax ~ Kundol, patola, upo’t kalabasa

At mega join-join pa ~ At saka meron pa

Jobanos, nyustasa, ~ Labanos, mustasa

Nyubuyak, nyomatis, nyowang at luyax ~ Sibuyas, kamatis, bawang at luya

And around the keme ~ Sa paligid-ligid

Ay fulnes ng linga. ~ Ay puno ng linga



Aketch ai may lobing ~ Ako ay may lobo


Aketch ai may lobing, ~ Ako ay may lobo,

flylalou sa heaven. ~ lumipad sa langit.

Witchels ko na nasightness ~ 'Di ko na nakita,

jumutok na paley. ~ pumutok na pala.

Sayang lang ang anda, ~ Sayang lang ang pera,

pinang buysung ng lobing. ~ pambili ng lobo.

Kung lafangertz sana ~ Sa pagkain sana,

nabusog pa aketch. ~ nabusog pa ako.

Wednesday, July 6, 2011

Bakit maraming bakla ngayon?

Matagal ko ng iniisip kung ano nga ba talaga ang sagot sa tanong na ito. Gumagawa ako ng research about sa kabaklaan. Sa paghahanap ko sa google na kung bakit dumarami na ang lahi naming mga beki, mayroon akong nakitang isang scientific theory na gumulo sa aking isipan..



May 6, 2010, 04:02 AM. Sa kinakain ng tao ito. Mayroong mga contents ang modern processed/prepared foods which induced or propagates estrogens. All of us, upon conception in the womd are all designed as females (XX). Then based na lang sa sperms ni itay kung pano tayo magiging males (XY). Ang lahat ng tao ay may estrogen. Now it comes to the foods that we eat which activates/produce more estrogen than testosterone in males. I hope i explained well enough hindi ko masyado maexpress. Basta ganun.



QUESTION: Nakakita na ba kyo ng mga mountain people na gay? Di ba wala? Kasi they eat fresh and non-processed foods.



-Maicca



Nakakabilib lang si ate, dumugo ng pakonte yung utak ko sa explanation nya. Maniniwala na ako pero mayroong mga extra questions na pumukaw sa aking kamalayan. Una, Paano natin malalaman? Hindi tayo nakatira kasama ng mga taong bundok. Pangalawa, bakit sa animal kingdom? Fresh din naman ang kinakain nila pero meron din mga bakla. At pangatlo, sa panahon ni Alexander the Great uso na din ba ang mga processed food kaya sya naging bakla?. Ang hirap lang talagang isipin kung paano nagkakaroon ng bakla sa mundong ito. Sana mayroon ng makapagpatunay kung bakit, sana[babae na lang ako]. Kung ibabase ang aking pagiging bakla sa theory na ito, medyo totoo nga siguro ito kasi batang jollibee/mcdo ako. Puro fast food kasi ako dati. HAHAHA!

Sunday, July 3, 2011

Sa Likod ng Maskara: ang totoong mukha ng ikatlong kasarian.

“The truth is, sexuality is most probably found in one’s feelings and thoughts”
- Neil Garcia

Ang Maskara ni Fergie

Sa unang tingin ay aakalaing mong babae si Fernando o mas kilala sa pangalang Fergie. Sa seksing katawan, pagkilos, pananamit pati na rin sa kanyang maganda at maaliwalas na mukha ay mapagkakamalan itong babae ng karamihan. Pa-girl daw ang istilo niya at hindi siya nahihiya kung tawagin siyang bakla ng mga taong nasa paligid niya dahil totoo naman daw ito. Tulad ng ibang estudyante, masipag mag-aral itong si Fergie. Sa katunayan ay madami na rin itong mataas na marka sa kanyang mga subjects at kasapi siya ng iba’t ibang grupo at clubs simula pa noong pagtungtong niya sa kolehiyo. Araw-araw ay nakikita siyang nakangiti at masaya ng kanyang mga kaklase at mga kaibigan ngunit kasalungat ito pag-labas niya ng paaralan. Sa pagkamatay ng kanyang ama, ang tanging nagtataguyod sa kanilang pamilya ay ang kanyang masakiting ina. Bilang panganay, tinutulungan niya ang kanyang ina sa pagpapaaral ng kanyang limang kapatid kaya’t suma-sideline siya ng mga negosyo tulad ng pagbebenta ng meyk-ap o pagsali sa mga miss gay sa mga baranggay. Sa madramang buhay ni Fergie ay nagsisilbing balakid sa pag-aaral niya ang kanyang propesor na palaging nagagalit at pinag-iinitan siya dahil sa kanyang kasarian. Tinitiis na lang ito ni Fergie at kahit anong gawin niya ay tinitira pa rin siya ng propesor at binibigyan ng mababang marka. Mabuti na lang at andyan pa rin ang jowa niya kahit binubugbog siya nito. Sa pamamagitan ng kanyang nae-extra ay nasusustento pa rin ni Fergie ang kanyang jowa. Nagpapaka-martir na lang itong si Fergie upang ang inspirasyon niyang mag-aral ay hindi mawala sa kanya. Lingid sa kaalaman ng karamihan, sa tuwing nagiisa si Fergie ay nawawala ang tawanan at napapalitan ito ng mga luhang tumutulo sa kanyang pisngi. Pilit niyang isinusuot ang maskarang nakapagbabago ng kanyang anyo dahil sa likod ng kanyang maganda at nakangiting mukha ay isang malungkot at umiiyak na eba sa loob ng katawan ni adan.

Marahil nagtataka ang karamihan kung bakit may mga bakla sa lipunan. Kung saan-saan natin sila nakikita—sa mga parlor, eskwelahan at mga pampublikong lugar—at ang karaniwang lumalabas sa isipan ay maingay, magulo at malandi. Napapansin agad ang bakla kapag ikaw ay nakadamit babae, malamyang kumilos at malumanay kung magsalita. Ngunit ang bakla sa ating lipunan ay kasing tanda na nang sinaunang Pilipino noon. Bago pa man dumating ang mga Kastila dito sa pilipinas ay mayroon nang mga binabae na malaki ang kontribusyon sa sinaunang lipunan. Ang mga bayog, asog o mas kilala sa tawag na babaylan ang mga sinaunang mga babaeng pari at doctor na nagpapagaling ng mga maysakit at tagapag-ugnay ng komunidad sa ibang mundo. Karamihan sa mga babaylan ay mga babae ngunit mayroon ring mga lalake. Ayon sa Boxer Codex, isang manuskirpto na nakalap noong ika-16 siglo, normal sa mga lalaking babaylan na magdamit babae. Pati na rin ang pagpapakasal at pagsasama bilang mag-asawa ng dalawang lalaki habang pinanatili ng mataas na pagkilala sa halaga ng papel na ginagampanan ng mga ito sa lipunan. Ang ibig sabihin nito na ang mga lalaking nagdadamit-babae, nag-aasal babae, at namumuhay na parang babae ay bahagi at tanggap ng ating mga ninuno.

Dumating ang pananakop ng Kastila sa Pilipinas at nabago ang pananaw sa kababaihan pati na rin sa mga sinaunang bakla. Sa panahon ding iyon nagsimula ang isang patriyarkal na sistema na kung saan ang dating may papel ng pamamahala ng kababaihan ay iginapos sa gawaing bahay at pagsisilbi sa asawa. Namuno ang pananaw na ang lalaki ang malakas, ang lalaki ang makapangyarihan at ang lalaki ang masusunod. Kung sino man ang kakaibang kumilos ayon sa nakatakdang kilos na “lalaki” ay tinatawag na binabae. Bumaba ang pagtingin sa mga dating tagapagtaguyod ng lipunan at nagging bansag sa kanila ang tawaging mangkukulam, bruha at demonyo dulot na rin sa impluwensiya ng dayuhang mananakop. Binawalan na ng simbahan ang mga babaylan at pinalitan ng paring puro lalaki at itinuring na sodomiya ang pagtatalik ng dalawang tao na parehas ang kasarian. Pati na rin ang iba’t ibang posisyon ng pagtatalik ng mag-asawa ay pinandidirihan at kinukonsidera na isang malaking kasalanan.

Sa kasalukuyan ay lumaganap na ang mababang pagtingin ng mga bakla sa Kanluran. Itinawag itong isang sakit sa pagiisip, isang abnormalidad, baliw at kung anu-ano pa. Dahil sa pangyayaring ito sa ating kasaysayan ay nahubog sa kawalan ang pananaw sa mga bakla sa Pilipinas. Ipinagkait ang mga karapatang pantao tulad ng sa pag-aaral at trabaho. Nagsisilbing mahina ang mga bakla na umabot sa puntong may nabubugbog at namamatay dahil sa diskriminasyon. Naging tagapagsilbi na lamang sa pangangailangan sa mga kalalakihan. Kapag sinabing bakla, mayroon agad masamang konotasyong naiisip ang iba habang ang karamihan ay pinagtatawanan ang mga ito sa kalye, telebisyon, radyo at kung saan-saan may bakla. Nagpapatunay lamang ito sa patuloy na pagsasantabi, pang-aapi at pagkakahon ng mga bakla sa ating lipunan.

Ang Maskara ni Jeff

“Crush ng campus” itong si Jeff. Isang gwapo, matipuno at mabait na kaibigan at estudyante ang makikita mo sa kanya. Kasisimula pa lang niya sa kanyang ikalawang taon ng pag-aaral sa kolehiyo. Dahil sa kanyang appeal ay nahuhulog ang mga babae at mga bakla sa kanyang mapangakit na ngiti. Halos kada-buwan ay iba’t iba ang kanyang nagiging girlfriend at hindi na mabilang sa daliri kung ilan na ang napaiyak niya. Ngunit sa kabila ng kanyang katanyagan at sa dami ng kanyang karelasyon ay hindi pa rin siya kontento. Labis niyang itinatago ang totoo niyang nararamdaman sa tuwing nakakasama niya ang kanyang bestfriend na lalake na si Adam. Sa totoo lang ay may lihim na pagtingin si Jeff sa kanyang matalik na kaibigan. Natatakot siya na sabihin sa kanya ito dahil ayaw niyang matawag na bakla ni Adam at makalat na siya nga ay umiibig sa kapwa lalake. Subalit gusto na niyang makawala sa hawlang ikinalalagyan niya at maging totoo sa sarili ngunit ‘di niya ito magawa dala ng kawalan ng loob.

Hindi lahat ng bakla ay nag-aasal o gusto maging ganap na babae. Sa katunayan ay may mga klasipikasyon ang mga bakla ayon sa kanilang nais na ipakitang personalidad sa kasarian. Mayroong pa-girl o ‘ladlad’ na nagdadamit at nagaasal babae at mga katangian na itinakda ng lipunan sa mga babae. Sila ay mga babae na nakulong sa katawan ng lalaki, mahinhin at pusong mamon. Ang mga ‘paminta’ ay mga baklang hindi gaano ipinapakita ang kanilang pagkababae sa pananamit o pag-aasal. Sila ang karaniwang mga halatang bakla na malumanay ang boses ngunit nililimita ang kanilang sarili pag dating sa aspetong peminino. Ang mga closet o discreet gays kung tawagin ay nagaasta at nagdadamit lalaki samantalang nagkakagusto din sila sa kapwa lalaki kahit na labag sa kanilang kalooban. Hindi pa nila lubos na maipakita ang kanilang tunay na pagkatao sapagkat ‘di pa sila handa at sa mga piling tao lang nila sinasabi kung ano talaga sila. Nais nila maitago ang kanilang tunay na pagkatao tulad ng pagpunta sa gym upang magpalaki ng katawan o ‘di kaya nagkkakaroon ng karelasyong babae para hindi mahalata. Ang huli ay ang mga ‘maton’ o butch na maskulino ang kalooban at sa panlabas ngunit nagkakagusto rin sa kapwa lalaki at tanggap ang sariling sekswalidad. Ito ang klase na hindi halata na kahit sa boses at kilos ay lalaking-lalaki.

Ang usapin ng pag-unawa sa sekswalidad ng mga bakla ay isang maselan at madalas na hindi lubusang naiintindihan ng karamihan. Nililimitahan ang mga bakla sa paglalaybel sa kanila bilang mga effeminate ngunit salungat ito sa nangyayari. Ang pagiging bakla hindi lamang nakakahon sa mga pa-girl o mga ‘ladlad’ na mga bakla kundi pati na rin ang iba pang mga klase ng binabae. Ang ganitong kumplikasyon sa pagtingin sa mga bakla ay nagdudulot ng paghusga at nagbubunga ng diskriminasyon sa ikatlong kasarian ng ating lipunan. Ayon kay Neil Garcia, “ang oryentasyong sekswal ay hindi nakikita sa labas na anyo. Walang baklang ilong, walang lalaking bunganga, walang baklang balakang o lalaking hita… Ang sekswalidad ay natatagpuan sa kalooban, pakiramdam at pag-iisip isang tao.”

Ang Maskara nina Jason at Mark

Sa darating na Marso ang buwan kung kalian magtatapos sa kursong Nursing sina Jason at Mark. Apat na taon na rin ng una silang magkakilala at apat na taon na rin nilang nililihim ang kanilang relasyon sa loob ng kampus. Nagkakilala sila noong unang taon nila sa kolehiyo dahil magkaklase sila sa Algebra. Magkatabi pa sila ng upuan at nagpakilala at nakipagkaibigan itong si Mark kay Jason. Mula noon ay palagi na silang magkasama, nagkokopyahan at nagtatawanan. Hindi na nila namalayan na nahulog na pala ang loob nila sa isa’t isa. Matapos ng ilang buwan na pagte-text at pagsasama ay nagtapat ng pag-ibig si Jason kay Mark na hindi naman nito tinanggihan. Inilihim nila ito sa kanilang mga kaibigan, kaklase, at sa mga nakakakilala sa kanila sa loob ng kampus. Naipapakita lang nila ang kanilang pagmamahalan sa labas ng kampus, kung saan walang manghuhusga at walang mangingialam. Papunta ng mall ang dalawa upang manood ng sine at makapaglibang matapos ang prelim exams. Nagdesisyon si Mark na maglakad na lang papuntang mall sapagkat malapit lang ito sa kanilang eskwelahan at magkaroon na rin ng panahon para sa isa’t isa. Habang naglalakad ang dalawa, hinawakan ni Jason ang kamay ni Mark. Maya-maya ay may narinig silang mga bulong sa banding likuran nila at nang tiningnan ito ni Mark ay may magkasintahan din na kasing edad rin nila. Kitang-kita sa pagmumukha ng babae at lalaki ang pagkamuhi nila kay Jason at Mark. Hindi ito pinansin ng dalawa at nang lumaon ay nag-iba sila ng dinaanan ngunit nang akmang papalayo na sila sa magkasintahan ay biglang nakarinig sila ng malakas na tawanan ng nangungutya na dahan-dahang nawawala sa eskinita. Mas lalo pang hinigpitan ang hawak ni Jason sa kamay ni Mark, tanda ng pagpapa-alala sa pagmamahal niya.

Sa Pagtanggal ng Maskara

Ang kwento nina Fergie, Jeff at nina Jason at Mark ay iilan lang sa kwento ng mga karanasan bakla. Sa mga kwentong ito nasisiwalat ang totoong kalagayan ng mga bakla hindi lamang sa loob ng eskwelahan kundi na rin sa lipunan. Sa kanilang mga maskara nakikita ang tunay na kalagayan ng mga bakla sa ating bansa. Hindi lamang sa aspetong panlipunan kundi na rin sa ekonomiya at politikal na aspeto. Marami pa ring bakla ang nagdudusa sa dahas ng piyudalismo sa eskwelahan, sa trabaho, at maging sa tahanan. Isinasalamin ng mga bakla ang tunay na nangyayari sa ating lipunan—mga babaeng inaapi, mga manggagawang walang makain, mga magsasakang walang maangking lupa—at sa pamamagitan nito ay sana ay mamulat tayong mga estudyante at ang higit na nakararami sa totoong sitwasyon ng ating lipunan. Ito ay tatlong kwento subalit iisa ang ninanais—ang tanggalin ang maskarang nakatakip sa tunay na kalayaan.



- *LEIGH

ANG ALAMAT NG BAKLA

Noong unang panahonchi, mayroong isang lalaking galit sa mga babae. Ang pangalan nya ay Bek-bek.

   "Hoy! Ako si Bek-bek at galit ako sa mga babae, mga malas yang mga babaeng yan sa buhay naming mga lalake".

Ayan si Bek-bek, galit na galit sya sa mga babae kahit wala namang ginagawang masama sakanya ang mga babae.

   "Basta, ayokong nakakakita ako ng mga babae!".

Isang araw, nakita nya ang kapatid nya na si Merly.

   "Hoy Merly! Umalis ka dito! Ayokong nakikita kita dito sa bahay natin, hindi ka naman mahal ng mga magulang natin. AMPON KA LANG!".

Umiyak si Merly.

   "AJUJUJU, Bakit ganon? Bakit lagi na lang akong inaapi ni kuya Bek-bek? Bakit ganon? Hindi naman ako ampon!".

   "Ampon ka! Tumigil ka! Umalis ka rito sa bahay natin". Ang sabi ni Bek-bek.>

At umalis nga si merly sa bahay nila, umiyak ng umiyak si Merly.

   "AJUJUJU, Nakakaloka naman si kuya, hindi nya ako mahal. Aalis na lang ako dito, tutal ang sabi nya ampon lang ako, AALIS NA AKO! AJUJUJU".

At umalis na nga sa bahay si Merly, ang kapatid na babae ni Bek-bek. Kinaumagahan, naghahanap ang mga magulang ni Merly at ni Bek-bek.

   "Ay nasaan na yung si Merly? Bakit nawawala?" Ang sabi ng kanilang tatay na may edad na.

   "Aynako nawawala si Merly" Ang sabi ng kanilang nanay na may edad narin.

   "Naku, nawawala yung bata. Bek-bek, bek-bek, nakita mo ba kung nasaan si Merly?" tanong ng tatay kay Bek-bek.

   "Ahhh, wala po. Hindi ko po nakita, hindi ko po alam kung nasaan si Merly. Ahhhh kagabi po nadito lang po siya sa bahay. WALA PO AKONG ALAM!".

At ng biglang may lumitaw na fairygodmother.

   "Akeymbang ang fairygodmother.. Na bonggang-bongga! Ang fairygodmother! Nanggaling aku sa Cebu. BUNGGA AKU! At Paparusahan kita ng bunggang-bungga! At dahil galit ka sa mga babae kahit hindi ka inaanu, gagawin kitang kalahating babai at kalahating lalaki! Hito ang sayu!".

At pinarusahan si bekbek, kaya nagkaroon ng bekla. Kaya naging ganito na si Bek-bek..

   "Uhhh, Ahhh! Anong nangyayari? Ala ka! Wititit ko noseline, bakit nagkaganito ang isplukekang kes? Ah! Ishinumpa akembang ng fairygodmothersung! Oh my goodness! Ala, ala ka! Nagiging vekla ang mga sholak kes. Hindi ito maaari! Hindi maaaring maging halfman-halfwoman ako! WITITIT! WITITIT!! WITITIT!!".

Kaya mga bata! 'Wag maging masama ang ugali! Tandaan, dito sa Mercury Drug, ang gamot ay laging bago. Ito ay hango sa video ni Bekimon, Ang alamat ng mga bakla ayon kay baby bekimon.